CLICHÉ: DULANG MAY ISANG YUGTO

———————————————————————————————————————————–

This script is a personal property of JAYSON ARVENE TABANGIN MONDRAGON. Please contact the author for permission to use this script. There is NO FEE for its usage but please do inform the author before using it as a matter of respect. Thank you and happy reading.

———————————————————————————————————————————–

Nakatayo sa kaliwang bahagi ng entablado si David, may hawak na isang makapal na libro. Halos halikan na niya ang mga pahina ng libro habang nagbabasa. Nakasalampak naman sa kanang bahagi ng entablado si Marie, may kaharap ding makapal na libro at isang papel.

DAVID

To be who you are, in a world who is working day and night to make you like everyone else, is the hardest battle anyone would have to face and continue fighting. E. E. Cummings. Makes sense…

MARIE

Pero kung ang isang baiting ng hagdan eh mas mataas o mas mababa ng kahit na dalawang milimetro lang, magiging dahilan ito ng pagkatisod ng tao. Konting pagkakaiba lang eh pwede nang maging dahilan para kumanta ng “Jack fell down and broke his crown and Jill come tumbling after.”

Papasok sina Kevin at Shasta mula sa magkabilang panig ng entablado. Mapapatingin si Kevin kay David.Mapapatingin naman si Shasta kay Marie.

KEVIN at SHASTA

Nandito ka na naman?!

MARIE

Ay kabayong panot!

DAVID

Kailangan talagang nanggugulat?

KEVIN

Ano na namang ginagawa mo dito?

MARIE

Nagmamaganda.Bakit?Bawal?

SHASTA

That’s so over you, like sampung libong level over you. Wala kang karapatang magmaganda dahil hindi ka maganda!

DAVID

At least hindi ako isaw.

KEVIN

Anong isaw na naman ang pinagsasabi mo?

DAVID

Isaw. Panget na ngang tignan, madumi pa ang kalooban.

SHASTA

Ang ganda ko kaya!

MARIE

So hindi mo ide-deny na masama ang ugali mo?

KEVIN

Mabait ako pero depende sa pagmumukha ng kaharap ko.

DAVID

Hindi din. Ang bait mo sa sarili mo eh.

SHASTA

May sinasabi ka?

MARIE

Wala, sabi ko nga, ang ganda-ganda mo te! Pwede kang mag-artista. Hindi bale, uso ang ganyan ngayon, basta maganda kahit tapon kaluluwa.

Magsisimulang magbihis si David.Magsisimula namang maglagay ng make-up si Shasta. Mapapatingin lang sa dalawa sina David at Marie.

SHASTA

Huwag mo akong tinititigan.

MARIE

Ang ganda mo kasi.

KEVIN

Alam ko.

DAVID

Ang humble mo pa.

SHASTA

I know right! Like I’m so humble kaya. Kaya nga kahit I’m so pretty, I’m still nice with those facially challenged people. I still smile at them kahit nakakangiwi ang pagmumukha nila.

DAVID

Wow! Bago gusto mong maging pulitiko? Ganyan na ganyan ang requirements.

KEVIN

Talaga? Well, malayo namang mas gwapo ako kay Lito Lapid. Pwede nga siguro.

MARIE

Naniwala namang mukha lang ang basehan.

SHASTA

Anong sabi mo?

DAVID

Na ang gwapo mo. Pwede kang heartthrob.

KEVIN

Iyana ng gusto kong marinig.

Magsisimulang mag-apply nang kung anu-ano sa katawan sina Kevin at Shasta.

MARIE

First layer.Foundation. Pantago sa itinatagong mga pilat, pimple marks at kung anu-ano pang dapat itago.

DAVID

Pabango para matakpan ang sangsang ng ugali.

MARIE

Eye liner para linyahan ang mga matang wala nang ginawa kundi manlait ng kapwa.

DAVID

Magandang mga damit para ipakita ang katawang batak sa gym, pambawi sa utak na walang laman.

MARIE

Lipstick, pampatamis ng maaanghang na salitang bibitawan.

DAVID

Hair wax, pampatigas ng buhok para kahit papaano, masasabing may pinapanindigan.

KEVIN

Bangasan ko mukha mo, gusto mo?

SHASTA

On second thought, huwag na lang. Wala din namang mangyayari. Damaged na din naman na iyang mukha mo eh.

MARIE

At siyempre, masasakit na salita para kumpleto na ang palitada.

DAVID

Nakakahinga ka pa ba sa suot mo? Daig mo pa ang binalot na suman eh.

KEVIN

Sabi nga nila, ipagmalaki mo ang kung anong meron ka. Saka dapat alam mo kung paanong i-enhance iyong mga meron ka.

MARIE

Enhance? Eh daig mo pa ang nagpa-plastic surgery eh. Aba, kapag nasagasaan ka, feeling ko, mukha mo lang ang hindi man lang maaano sa sobrang kapal ng make-up mo.

SHASTA

Inggit ka lang!

KEVIN

Saka ano bang pakialam mo?

MARIE

Sabi ko nga, mind your own business na lang.

DAVID

Nagsalita pa kasi ako.

KEVIN at SHASTA

Mismo!

Ipagpapatuloy ng nina Kevin at Shasta ang pag-aayos. Naiiling na titingin lang sina David at Marie sa lahat ng ginagawa ng dalawa. Babalik na lang sa ginagawa sina David at Marie.

SHASTA

Oh my gawd! I’m so pretty talaga!

MARIE

Ansabe?!

DAVID

Ikaw ba naman ang isang oras sa harap ng salamin kung hindi ka din magulat sa sarili mo.

KEVIN

Akala ko ba hindi ka na magsasalita?

DAVID

Saan ba ang lakad mo?

KEVIN

Lalabas ako.

MARIE

Malamang! Alangan namang nag-effort kang iretoke iyang pagmumukha mo ng isang oras tapos matutulog ka lang.

SHASTA

Inggit ka lang! At least ako, may social life!

KEVIN

Hindi katulad mo. Ano ba kasi iyang itsura mo?

MARIE

Hindi ka ba nanood ng America’s Next Top Model? Unique is beautiful. O di kaya Project Runway!

SHASTA

Baka Project Run Away!

KEVIN

 Tipong lalapit ka pa lang, tumatakbo na sila papalayo.

MARIE

Excuse me! Unique kaya ang beauty ko. Exotic!

SHASTA

Exotic, parang Iguana. Iguanang obese!

DAVID

At least hindi peke.

KEVIN

Aanhin mo ang totoo kung hindi naman tanggap ng kahit na sino?

MARIE

Aanhin mo ang maganda kung ugali namang basura.

SHASTA

At least hindi mukhang basura.

DAVID

Ano to personalan?

KEVIN

Tinamaan ka?

MARIE

Eh kung ikaw kaya ang tamaan ko? Gusto mo?

Matatahimik silang apat.

DAVID

Hindi ka ba napapagod?

SHASTA

Hindi nakakapagod maging maganda.

MARIE

Pero ang laging kailangang maging perpekto?Hindi mo ba namimiss ang maging tao?

KEVIN

Anong ibig mong sabihin?

DAVID

Gym araw-araw, hindi para maging healthy kundi para lang gumanda ang katawan.

MARIE

Gluta-soap, lotion, pills, scrub, whitening injection, skin peel, teeth whitener, foundation ala espasol, make up, lipstick, blush on. In short, mukha kang naglalakad na beauty product.

DAVID

Hindi ka kakain makabili lang ng pampormang damit.

MARIE

Gugutumin mo ang sarili mo magkasya lang ang damit.

SHASTA

It takes sacrifice to be beautiful

KEVIN

No pain, no gain, sabi nga nila.

SHASTA

Dahil sa mundong ito, walang lugar ang mga panget.

KEVIN

Lalaitin ka lang kung hindi ka perpekto.

SHASTA

Kaya kung ayaw mong makawawa

KEVIN

Kailangan mong sumunod sa uso.

SHASTA

At sa mundong ito.

DAVID at MARIE

Hindi uso ang panget.

KEVIN at SHASTA

Mismo.

MARIE

Ano to, commercial ng coke?

SHASTA

Hindi.Commercial ng Belo.Ikaw iyong before operation.

DAVID

Oh di ikaw na!

KEVIN

Ako na talaga!

Muling matatahimik ang apat.

DAVID

Saan ang lakad?

KEVIN

May date ako.

MARIE

Si Kevin na naman?

SHASTA

Anong pakialam mo?

DAVID

Ano bang nakita mo sa make-up na tinubuan ng taong iyon?

SHASTA

Excuse me?

MARIE

You may go out.

KEVIN

Maganda si Shasta.

MARIE

Saang parte?

SHASTA

Excuse me?

MARIE

Bukas ang pinto at hindi ito classroom.

KEVIN

Ginagago mo ba ako?

DAVID

Nagsasabi lang ako ng totoo.

MARIE

Saka hindi ka ba natatakot? Paano na lang kapag nagkatuluyan kayo? Ano iyon, bago siya magising, mag-me-make up ka na para paggising niya maganda ka na?

DAVID

At paano kapag lumaki na ang tiyan mo dahil sa pagtanda? Mamahalin ka pa rin kaya niya?

SHASTA

Palibhasa wala kang alam!

MARIE

Wow! Sayo pa talaga nanggaling.

KEVIN

Saka ano bang pakialam mo? At least siya, maganda. Eh ikaw, nakita mo na ba itsura mo?

MARIE

Eh yung utak mo, nakita mo na?

SHASTA

Excuse me?

MARIE

Paulit-ulit? Wala ka na bang ibang alam kundi excuse me?

DAVID

Wala namang masama sa pagiging maganda.

SHASTA

You have to look presentable. Kahit saang panig ng mundo ka magpunta, mukha mo ang unang makikita nila. So put your foundations on, then the lipstick, a little mascara, some eyeshades and eyeliners. Put a pretty dress on.

KEVIN

Kailangan mong ipakita kung ano ang meron ka. Ikaw na din ang nagsabi na kung meron ka namang ipapakita, dapat mong ibalandra di ba?

MARIE

Niliteral mo naman. Hindi ka ba nabibigatan sa mukha mo? Eh dinaig mo pa ang finishing ng isang building sa kapal ng palitada mo eh.

DAVID

At mabuti kung nakakahinga ka pa sa suot mo. Ang laki ng katawan mo pero kung makabili ka ng isusuot, tatlong size na mas maliit. Kailangan bang naka-umbok lahat?

KEVIN at SHASTA

Wala kang pakialam!

Matatahimik ulit sina David at Marie. Ipagpapatuloy lang ng dalawa ang pagbibihis at pag-aayos. Mabibitawan ni Shasta ang hawak na eye liner. Pipilitin namang paliitin ni Kevin ang tiyan sa suot na masikip na t-shirt.

KEVIN at SHASTA

Anak ng putik naman oh!

Tatanggalin ni Kevin ang t-shirt na suot at itatapo iyon kay David. Imbes na pulutin ang eye liner ay mapapasalampak ng upo sa sahig si Shasta.

DAVID

Napapagod ka din pala.

SHASTA

You think? Sa tingin mo madali ito?

MARIE

Oh eh bakit mo ginagawa? Nahihirapan ka pala bakit sige ka pa rin ng sige.Ano ka, masokista?

KEVIN

Huwag kang magmagaling dahil wala kang alam!

DAVID

Ang akin lang, gwapo ka. Hindi iilang babae ang nagkakagusto sa iyo. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang mong tikisin ang sarili mo.

SHASTA

Palibhasa panget ka kaya hindi mo alam!

MARIE

Wow! Makapanget ka wagas! Ano ka, God’s gift to mankind? Hindi ka din ganoon kagandahan neng! Kaya kong tanggalin ang kagandahan mo sa isang punas lang ng basing bimpo.

Matitigilan sina Kevin at Shasta, parehong mapapa-buntong hininga.

DAVID

Biro lang…

MARIE

Ito naman, huwag mon gang masyadong siniseryos ang sinasabi ko…

KEVIN

Tama ka naman eh.

SHASTA

Ayaw ko mang aminin pero tama ka naman talaga.

DAVID at MARIE

Hindi ko gets.

KEVIN

Pansamantala.

SHASTA

Pang-sa ngayon.

DAVID

Wala ka bang baong subtitle?

MARIE

Masyadong malalim ang hugot eh.Baka malunod ako.

SHASTA

Sa tingin mo, kapag nagpakita ako sa kanya na naka-ayos tulad mo, mamahalin pa niya ako?

DAVID

Hindi ko alam kung dapat ba akong mainsulto sa sinabi mo.

KEVIN

Kulang na lang eh sa gym na ako tumira para hindi ako tumaba. Sino ba naman ang magkakagusto sa isang baboy?

MARIE

Madami! Hello! Lechon festival, ring a bell?

SHASTA

Magseryoso ka nga! Saka kahit lechon, kailangan ding pahiran ng mantika para maging kaayaaya!

KEVIN

Araw-araw, kailangan mong maging presentable, kailangan mong maging maayos, kailangan mong maging perpekto, kahit sa panlabas man lang na anyo.

SHASTA

Dahil sa mundong ito, walang lugar ang mga panget. Walang lugar ang hindi maganda o gwapo. Dahil kung panget ka, kahit pa matalino ka, wala ka pa ring makukuha kundi panlalait at pang-iinsulto.

KEVIN

Walang lugar sa mundong ito ang panget.

SHASTA

Walang pakialam ang mundong ito sa mga panget.

DAVID at MARIE

Sige, ulit-ulitin mo pa!

MARIE

Nakaka-insulto ka na ah!

SHASTA

Iyan mismo ang punto ko. Nasasaktan ka di ba?

KEVIN

Masakit pakinggan di ba?Tipong gusto mong manuntok dahil sagad-sagaran ang sakit.

SHASTA

Pero kahit magwala ka, wala ka ding mapapala.Dahil panget ka.

MARIE

Ipagdiinan mo pa. Hindi ko kasi narinig kanina eh.

KEVIN

Alam mo kung ano iyong pakiramdam na walang kwenta kung matalino ka o kahit ilang libro pa ang nabasa mo? Dahil kapag nakikita ka ng tao, hindi naman nila titignan kung may utak ka ba o wala. Ang titignan nila ay kung masakit ka pa sa mata o hindi.

SHASTA

Iyong kahit na siguro mas magaling ka pa kay Einstein pero pang-connect the dots naman ang mukha mo. Parang regalo. Kahit na gaano kaganda ang regalo mo, kung sa diyaryo nakabalot, wala din.

KEVIN

Hindi uso ang panget sa mundong ito.

SHASTA

Hindi uso ang mga katulad mo.

Muli silang matatahimik.

DAVID

Kaya mo ba ako itinatago?

MARIE

Kaya mo ba ako ikinukulong dito?

KEVIN

Lahat ng tao ay nagtatago.

SHASTA

Lahat ng tao, nagbabalat-kayo.

MARIE

Pero ako ay ikaw.

DAVID

At ikaw ay ako.

Parehong mapapangiti ng mapait sina Shasta at Kevin.

SHASTA

Alam ko.

KEVIN

Alam ko.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s