BUS

“May reserbasyon ka ba?”
Siyempre, sabi ko, “Wala”
Maghihintay ka ba na parang tanga
Kung sigurado ka na, di ba?

Sasakay at aasa na lang
Baka sakaling mayroon pang mauupuan
Baka sakali, baka pwede pa naman
Maisingit, makasiksik, kahit pa tumayo na lang

“Saan ka ba bababa?”
Masakit pero ganoon talaga
Hindi pa man nagsisimula
Itatanong na kung saan ka papara

Pero sige pa rin kahit mahirap
Ganyan ang buhay eh, minsan masaklap
Kumapit ka man, tatambling pa rin paharap
Sa bawat biglaang preno, sa walang kasiguruhang hinaharap

Sasabayan pa na malamig na dapyos ng hangin
Nagyayaya ng tulog na mahimbing
Paa’y ibabaluktot, mananaginip sa dilim
Sa loob ng isang kahong di mo alam kung saan ka dadalhin

Hindi mo mamamalayang tapos na ang paglalabakbay
Bugbog mong katawan, kailangan pa ring sumabay
Magpapaalam, aalis, mukhang ewang kakaway
Habang pinapanood ang iba namang sasakay

“Hanggang dito na lang po”
Sasabihin nila pagdating sa dulo
Kaya tatayo ka’t bababa, mapapakamot na lang sa ulo
Minsan hindi pa ibibigay kapiranggot na sukli mo

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s