Inkblots

Lilingon, titingin
Maghahanap ang mata
Ngingiti, tatawa
Kapag mata ay nagdaop na
Kukuha ng papel
Pagdudugtungin ang mga letra
Baka sakali lang
Na ikaw na ang nakatadhana

Sabi ko nga dati
Hindi totoo ang walang hanggan
Kaya dapat sulitin
Bawat pagkakataon, bawat minsan
Upang di man magsalubong
Ang ating pinili at tinahak na daan
Naging akin ka naman
Kahit na sabihing panandalian lang

Bawat tuldok ng tinta
Bawat kuwit at bawat salita
Bawat katagang bibitawan
Nawa’y pumasa sa iyong panlasa
Nagpapansin, nagpaparamdam
Kung pwede nga lang ay mangharana
Para lang makarating,
Para marinig, idinudulog na pagsinta

Kahit hindi magtugma
At tuluyan ding mabaon sa limot
Bawat salitang nasambit
Na binabalot ng pangamba at takot
Kung agad mang magwakas
O pagsinta man natin ay maudlot
Hayaang matuyo ang tinta
Habang umiiyak sa ilalim ng kumot

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s