PBB TEENS MOMENT

Buksan ang iyong mata’t huwag na huwag kukurap
Kurutin ang pisngi para magising kang ganap
Baka kasi nananaginip, baka isa lamang itong pangarap
Baka halusisnasyon mo lang ang mensaheng natanggap

Kung tutuusin ay maliit lang naman na bagay
Mumunting mensaheng sa ngiti mo ay nagpasilay
Simpleng pagbati, ilang salitang sa umaga mo’y nagpakulay
Pagpansing matagal na inasam nangyari na sa totoong buhay

Unti-unti, kinilig ng todo-todo at simpleng napangiti
Hindi alam kung ano ang isasagot sa mumunting pagbati
Ang sarap lang na hilingin na ganoon sana palagi
Para ka lang nakakita ng lumilipad na ipis sa lakas nang pagtili

Pero siyempre magpipigil upang hindi mahalata
Baka kasi mapansing maliit na bagay lang masaya ka na
Ugali pa man din ng isang paslit ay di na bagay sa iyong mukha
Hindi naayon ang PBB teens na galaw sa isang matanda

Kaya’t pagbigyan man ang sarili sa galak na nadarama
Iwasan pa ring magtatalon dahil magmumukha ka lang tanga
Huwag ka ding tatawa nang tatawa, lalo na at mag-isa
Baka kasi makalimutan mong lalaki ka pala

Kaya titipa at magsusulat, kakatha ng isang simpleng sagot
Mag-isip nang maigi hanggang sa mukha mo ay malukot
“Chill lang” Sabi nga nila, huwag pangungunahan ng hiya at takot
Simpleng “Salamat sa pagbati,” na lamang ang isagot

Ang pag-ibig nga naman, walang oras o lugar na iginagalang
Para lamang magnanakaw, paglingon mo’y bigla na lamang nandiyan
Bago ka pa makapag-isip, bigla ka na lamang tututukan
Nanakawin ang hangin sa iyong dibdib, pati pusong itinago’t iniingatan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s